HIGIT 80K CORN FARMERS SA REHIYON, KABILANG NA SA INSURANCE PROGRAM NG GOBYERNO

Cauayan City – Umabot na sa 82,150 ang bilang ng mga corn farmers na kabilang sa Subsidized Insurance Program ng Philippine Crop Insurance Corporation.

Ito ang inanunsyo ng PCIC Region 2, kung saan ang mga corn farmers na ito ay mula sa buong Rehiyon Dos at ilang lalawigan mula sa Eastern Cordillera Region katulad ng Kalinga, Apayao, at Ifugao.

Ayon sa PCIC, sakop ng insurance ang mga nasisirang mais dulot ng mga iba’t-ibang peste katulad ng daga, baling, army o cutworm, fall army worm, corn borer, at plant hopper.


Bukod pa rito, saklaw rin ng insurance ang mga nasisirang pananim dahil sa mga hindi inaasahang sakuna.

Facebook Comments