Higit 85k na pasahero, dumagsa sa mga pantalan ngayong Lunes Santo

Ramdam na sa mga pantalan sa bansa ang dami ng mga dagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Semana Santa.

Batay sa pinakahuling datos ng Oplan Biyaheng Ayos Pasko ng Philippine Coast Guard (PCG), hanggang nitong tanghali ay pumalo na sa 86,652 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa.

Sa naturang bilang, 48,256 dito ay outbound passengers at 38,396 ang inbound passengers.


Dahil dito ay mahigpit na ang seguridad na ipinatupad ng 3,244 mga naka-deploy na PCG personel sa 15 PCG Districts.

Mahigpit ding iniinspeksyon ng Coast Guard K9 teams ang mga bagahe, gayundin ang 659 na barko at 904 na bangka bago pumalaot.

Nagsagawa rin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago ng surprise inspection sa Manila North Port Passenger Terminal at iba pang pantalan sa bansa.

Samantala, mananatili namang nakataas ang alerto ng PCG hanggang March 31, 2024, para sa inaasahang dagsa ng pasahero ngayong Holy Week.

Facebook Comments