Nakapagtalaga na ang Police Regional Office 1 ng kapulisan para magbantay sa seguridad para sa BSKE 2023.
Sa datos kabuuang 8,133 police personnel ang naka-deploy sa buong Ilocos Region para matiyak ang kapayapaan at kaayusan bago ang Oktubre 30 halalang pambarangay.
Ayon kay Police Regional Office 1 (PRO 1) Lt. Col. Benigno Sumawang, assistant chief ng Regional Community Affairs Development Division, na nakapag-set up na ng 12,623 checkpoints mula nang magsimula ang election period.
Aniya, ang puwersa ng pulisya na magse-secure sa botohan ay kinabibilangan ng 453 na mga tauhan na na-pull out sa kanilang pag-aaral upang magbigay ng serbisyo.
Nagtalaga na rin ng 347 na tauhan ang Armed Forces of the Philippines habang 106 na tauhan ang ipinoposisyon ng Philippine Coast Guard bilang augmentation force.
Sinabi ni Sumawang na mayroon silang quick response teams na tututukan ang 61 na mga barangay na nasa ilalim ng yellow category o kabilang sa mga lugar na natukoy na areas of concerns dahil sa election-related incidents at matinding political rivalry.
Samantala, sinabi pa ni Sumawang na naaresto na nila ang 40-gun ban violators at nakumpiska ang 53 baril sa iba’t ibang operasyon sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments