Nananatili sa ‘high-risk’ sa COVID-19 ang 92% ng mga lalawigan sa bansa.
Sa nasabing bilang, 82 porsyento o 111 mula sa 121 na mga lalawigan at mga independent component city sa bansa ang may mataas na health care at intensive care utilization rate pagdating sa mga COVID-19 patients.
Nasa 12 naman sa 17 rehiyon sa bansa ang high-risk kung saan kabilang na rito ang Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Sinabi naman ni Health (DOH) Undersecretary Spokesperson Maria Rosario Vergeire na mas maliit ang bilang ng mga pasyenteng nasawi sa COVID-19 ngayong taon kumpara noong 2020.
Aniya, ang case fatality rate (CFR) o antas ng mga pasyente ng COVID na nasawi ay umabot lamang sa 1.49 percent ngayong 2021 kumpara sa 2.47 percent noong nakaraang taon.
Giit ni Vergeire, nakatulong para mapababa ang death rate ngayong taon ang pagkakaroon ng bakuna sa bansa.