Higit 90 sako ng kikiam at fishball nasabat sa Quarantine Checkpoint sa Pangasinan

Nasabat sa Brgy. Carmen Rosales Pangasinan ang sako sakong kikiam at fishball matapos maghigpit sa quarantine checkpoint ang mga local government unit ng lalawigan sa pagpasok ng mga frozen meat at processed meat products dahil sa African Swine Flu.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Police Chief Master Seargeant Marlon Palaruan, 70 sako ng fishball at 19 na sako ng kikiam ang nakuha ng PNP Rosales.
Dahil dito pinabalik ito za Bulacan kung saan nanggaling ang mga fishball at kikiam dahil sa walang kaukulang papeles.
Samantala, mas maghihigpit umano ang nasabing bayan sa quarantine checkpoint upang hindi na maalektuhan ang ibang bayan ng asf.
###

Facebook Comments