Higit 90 technology business incubation hubs, inilunsad para sa start-up companies sa bansa

Ibinida ng Department of Science and Technology (DOST) ang malawak nitong suporta para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at start-up companies sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na may 91 technology business incubation hubs na kasalukuyang tumutulong sa pagpapaunlad ng mga negosyo.

Ang mga hub na ito ay pinopondohan ng DOST sa loob ng dalawang taon bilang suporta sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Private Higher Education Institutions (HEIs) sa pagsulong ng mga innovation.


Bukod dito, may mga start-up grants ang ahensya upang suportahan ang mga teknolohiyang ginagamit ng mga start-up companies kung saan isa aniya sa mga tampok na proyekto ngayong taon ay ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa mga sari-sari stores.

Makatutulong aniya ang isang start-up na gumagamit ng AI upang mas mapaganda pa ang operasyon ng mga sari-sari store.

Facebook Comments