Higit 900 kumpirmadong kaso ng COVID-19, naitala sa Pasay City; mga estudyante ng City University of Pasay, makakatanggap ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan

Pumalo na sa siyam na raan at walo (908) ang kabuuang bilang ng mga residente ng lungsod ng Pasay na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa tala ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, 17 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagag habang nasa 451 ang probable at 20 ang suspected cases.

Mula June 26, 2020, nananatili pa rin sa 42 ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 at umaabot naman na sa 515 na mga residente ng Pasay City ang nakarekober sa sakit.


Samantala, makakatanggap ang nasa 3,493 na mga estudyante ng City University of Pasay ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan.

Bawat isang estudyanteng benepisyaryo ay tatanggap ng ₱3,000 na financial assistance para sa mga buwan ng February, March at April ng School Year 2019-2020.

Sisimulan ipamahagi ang nasabing financial assistance sa darating na July 6, 2020 kung saan may mga schedule na inilabas ang lokal na pamahalaan ng Pasay upang makasunod sa inilatag na patakaran sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Facebook Comments