Boboto ngayong araw ang nasa 923 na mga Person Deprived of Liberty (PDL) para sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Bureau of Correction (BuCor) na mula sa maximum, minimum at medium security compound ng BuCor.
Ayon sa BuCor, ang mga PDL ay lehitimong mga botante ng Barangay Poblacion sa Muntinlupa City na pinayagang makaboto dahil wala pa silang isang taon na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).
Binubuo ito ng 12 clustered precincts kung saan nakarehistro ang mga bumotong PDL.
Delayed man ng isang oras ang pagboto, tiniyak naman nilang hindi aabutin ng hanggang alas-3:00 ng hapon ang bobotong PDLs.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagboto ng mga PDL at maiging tinututukan ng foreign observers at mga personel ng Commission on Elections.