𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟵𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦 𝗦𝗔𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗧

Nasa higit siyam na raang o 900 na kwalipikadong mga Kabataang Dagupeño, parehong mga kasalukuyan at bagong grantees ang nakatanggap na ng kanilang Scholarship Grant sa lungsod ng Dagupan.
Laan ang nasabing grant para sa kanilang ikalawang semestre noong taong 2022-2023 at unang semester naman ngayong taong 2023-2024.
Nasa 20, 500 pesos naman ang kabuuang halagang natanggap kada isa bilang pantustos sa tuition, miscellaneous at other fees ng mga ito sa kanilang pinapasukang pribadong mga unibersidad.

Sa kabilang banda, sa pagkakapasa ng 1.3B na budget ng lungsod, umaasa ang mga Dagupeño na magiging tuloy tuloy na ang usad ng scholarship program sa lungsod, kung saan 200M ang inaasahang magiging pondo para sa nasabing programa.
Matatandaan na ang sektor ng edukasyon ang isa sa mga prayoridad ng kasalukuyang administrasyon at nais ng alkalde ang pagkakaroon ng kabuuang 2, 500 na mga qualified scholars ang Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments