
Cauayan City – Mahigit 900 pamilya o tinatayang 2,800 residente ng Brgy. Casala, San Mariano, Isabela, ang nakinabang sa bagong tayong gravity-fed water pipeline system na nag-uugnay sa Casala Spring patungo sa kanilang mga tahanan.
Sa loob ng 10 araw, 100 TUPAD workers ang nagtrabaho upang ma-install ang matibay na linya ng tubig na may apat na kilometrong haba.
Nagpapasalamat si Barangay Captain Gilbert Tappa sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbibigay ng kinakailangang suporta para sa Casala Spring Development Project.
Bukod sa pansamantalang trabaho, malaki rin ang ginhawang dulot ng proyekto, lalo na sa nalalapit na tag-init kung kailan madalas nagkukulang ang tubig.
Maliban sa pag-install ng pipelines, tumulong din ang mga TUPAD workers sa pagpapaganda ng mga pasyalan sa barangay, kabilang ang pagtatanim ng puno, community gardening, at paglilinis ng kalsada.