Higit 900 volunteer police auxiliary sa Davao City, nanumpa na

Manila, Philippines – Nanumpa na ang nasa higit 900volunteer police auxiliary na tutulong sa pagtugis ng mga kriminal sa DavaoCity.
  Pinangunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang oathtaking ceremony.
  Pero bago isama sa pagpapatrolya ng mga pulis, isasalangmuna sa isang linggong pagsasanay ang mga ito gaya ng basic law enforcement, hand-to-handcombat, traffic management and control at disaster preparedness training.
  Ang mga naturang volunteer police auxiliary aymakatatanggap ng anim na libong honorarium kada buwan.

Facebook Comments