Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 9,000 bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ngayong araw.
Sa datos ng DOH, nasa 9,475 na bagong kaso ang kanilang naitala kung kaya’t nasa 105,568 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso.
11 ang nadagdag sa bilang ng nasawi na ngayon ay nasa 13,170 ang kabuuang bilang.
Umaabot naman sa 22,000 ang naitalang nadagdag sa mga gumaling na sa kabuuan ay pumalo na sa 603,154 ang bilang.
Ang kabuuang bilang naman ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa buong bansa ay umabot sa 721,892.
Samantala, wala naman naitatala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong kaso o bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa mga Pilipino sa ibang bansa.
Sa kasaluluyan, nananatili pa rin sa 16,068 ang kumpirmadong kaso ng virus sa mga pinoy abroad, 1,047 ang nasawi, 9,738 ang nakarekober habang 3,855 ang naberipikang kaso ng DOH-IHR.