Manila, Philippines – Mahigit 9,000 barangay sa bansa ang idineklara ng drug free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PDEA Public Information Office Chief Derrick Arnold Carreon, kabuuang 9,503 na ang makukunsidera bilang “drug-cleaned barangays”.
Aniya, mayroon pang 22,641 na barangay ang hindi pa cleared mula sa ilegal na droga.
Base sa datos ng PDEA mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2018, umabot sa 164,265 drug personalities ang naaresto at 5,050 ang nasawi mula sa 115,435 na anti-drug operations sa bansa.
Sa bilang ng mga naaresto, 606 sa kanila ay nagta-trabaho sa gobyerno.
Tinatayang nasa P25.19-billion naman ang mga nasamsam na droga at laboratory equipment habang ang shabu ay aabot sa P18.43-billion.
Facebook Comments