Higit 9,000 indibidwal, naitalang nakarekober sa COVID-19 ayon sa DOH

55

Umabot sa 9,072 ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) sa buong bansa na nakarekober sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 966,080 na ang kabuuang bilang ng nakarekober habang nakapagtala ng 8,346 na karagdagang kaso ng COVID-19 kung kaya’t nasa 71,472 ang aktibong kaso.

94.7 percent sa bilang ng active cases ay pawang mga mild symptoms habang 1.9% ang asymptomatic; 1.4% ang severe at 1.1% ang kritikal.


Nasa 77 naman ang nadagdag sa pumanaw kung saan 17,431 na ang total na bilang nito.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,054,983 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

May 7 laboratoryo naman ang hindi nakapagpasa ng kanilang mga datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Facebook Comments