Higit 9,000 pasahero, naitalang bumiyahe sa mga pantalan ng Philippine Coast Guard

Naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa higit 9,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa.

Sa datos ng PCG, nasa 5,607 ang bilang ng outbound passengers habang 4,151 ang inbound mula kaninang alas-6:00 ng umaga.

Kaugnay nito, nasa 94 na vessels at 119 motorbanca ang namonitor at isinailalim sa inspeksyon ng PCG sa 15 distrito nito sa buong bansa.


Bukod dito, nananatiling nasa heightened alert qng lahat ng districts, stations, at sub-stations ng PCG mula pa noong October 29 na magtatagal ng November 4, 2021.

Ito’y para makontrol ang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi ng probinsiya para bumisita sa kanilang kamag-anak.

Bukod dito, nais rin ng PCG na mamonitor ang pagdagaa ng mga fully vaccinated local tourist na nais naman mamamasyal o magbakasyon lalo na’t pinapayagan na ito ng pamahalaan.

Hinihimok naman ng PCG ang mga indibdwal na alamin muna ang mga odinansang ipinapatupad ng mga lokal na pamahalaan kung saan sila tutungo.

Nabatid kasi na may kaniya-kaniyang requirements na hinihingi ang mga Local Government Unit (LGU) tulad ng QR code o S-PASS, vaccination cards, antigen test o RT-PCR test.

Facebook Comments