Higit 9,000 PNP personnel, tinamaan ng COVID-19

Umabot na sa 9,091 ang bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang dinapuan ng coronavirus disease 2019.

Ito ay matapos makapagtala ang Pambansang Pulisya ng 25 bagong kaso.

Aabot naman sa 8,722 ang gumaling habang 28 naman ang namatay.


Nasa 341 naman ang active cases na sumasailalim sa treatment o quarantine.

Ang mga PNP personnel na nakararanas ng sintomas ay pinapayuhang magtungo sa PNP Health Service.

Facebook Comments