HIGIT 90,000 NA EKTARYA NG KAGUBATAN SA REGION 1, NATAMNAN NA NG PUNO AYON SA DENR-REGION 1

Bilang selebrasyon sa National Environment Month aabot na sa 90,841 hectares ang tinamnan ng mga puno ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 1 sa ilalim ng programang National Greening ng nasabing ahensya.

Ayon kay Assistant Director ng DENR-Region 1 Director Felix C. Taguba ang layunin ng nasabing programa ay upang mapaigting ang conservation management pagdating sa kalikasan, upang maprotektahan ang rehiyon sa pagbaha, pagguho ng lupa at iba pa.Vc: yan ang tinig ni ARD Taguba ng DENR.

Dagdag pa nito, dahil rin sa patuloy na pagtulong ng ibang ahensya sa pagsasagawa ng tree planting activities nasa 80, 847,000 ng mga puno ang naitanim sa rehiyon.Samantala, sa susunod na taon target ng ahensya ang 3700 hectares na taniman ng puno.


Facebook Comments