Umabot na sa 90,497 ang kabuuang bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang napauwi na sa bansa mula nang pasimulan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang COVID-19 repatriation efforts noong February 2020.
Base sa record ng DFA, sa kabuuang bilang, 44.8% o 40,540 OFWs ay sea-based at 55.2 % o 49,957 ay land-based.
Karamihan sa huling dumating ay mula sa Netherlands, Qatar, Saudi Arabia, UAE at United States.
Ayon sa DFA, umabot sa 31 flights ng mga OFW ang napauwi ng DFA sa bansa mula sa Middle East nitong nakalipas na mga araw.
13 flights mula UAE, 9 sa Saudi Arabia, 3 sa Qatar, 2 sa Bahrain, 2 sa Kuwait, tig-isa sa Lebanon at Oman.
Tuluy-tuloy na rin ang pag-uwi ng sea-based OFWs o mga seafarer mula sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng Canada, Cyprus, Hongkong, India, Malaysia, Netherlands, Norway, Peru, Pakistan, Singapore at USA.
May mga OFW na rin ang dumating na mula Shanghai, China, Kathmandu, Nepal, Zanzibar, Tanzania at Addis Ababa sa Ethiopia.
Pinakahuling dumating kahapon ng hapon, July 18, 2020 ang 707 OFWs mula sa Kingdom of Saudi Arabia sakay ng Philippine Airlines.