Umabot sa 953, 624 ang kabuuang doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok kahapon para sa unang araw ng ikalawang yugto ng Bayanihan, Bakunahan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Usec. Myrna Cabotaje, na naitala nila bilang top performing regions ang Region 4-A o Calabarzon, Region 3 o Central Luzon at Region 1 o Ilocos Region.
Top performing provinces naman ang Batangas, Cavite at Laguna.
May mga rehiyon aniya ang pinayagang mag-postponed ng kanilang bakunahan at itinakda sa December 20-22 dahil sa Bagyong Odette.
Kasunod nito kumpyansa ang NVOC na kahit pa may mga hindi nagtuloy ng bakunahan dahil sa bagyo ay makakamit pa rin ang 7 milyong target na mabakunahan sa pagtatapos ng ikalawang yugto ng Bayanihan, Bakunahan sa December 22.