
Umabot na sa 962,615 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa inilabas na datos ng Commission on Elections (COMELEC), naitala ito mula sa pagsisimula ng Voter Registration noong October 20 hanggang December 14, 2025.
Pinakamaraming naitala sa mga magparehistro ay sa Region 4A na nasa 203,438 habang sa National Capital Region (NCR) ay nasa 114,820 ang bilang kasunod ng Region 3 na may 114,628.
Ang Region 4A rin ang nakapagtala ng maraming bilang ng mga kabataan na nagparehistro na nasa 63,933 habang sa NCR ay 44,584 at ang kabuuang bilang mg mga kabataan na nagpatala ay umaabot na sa 262,974.
Magpapatuloy pa rin ang Voter Registration ng COMELEC hanggang May 18, 2026 kung saan wala pang plano na palawigin ito kaya’t hinihikayat ang lahat ma samantalahin na ang pagpapatala.









