Umaabot na sa 910,919 ang bilang ng mga bagong botante mula ng simulan ng Commission om Election (COMELEC) ang pagparehistro noong February 12, 2024 bilang parte ng paghahanda sa susunod na halalan.
Nangunguna ang Region 4A sa marmaimg bilang ng nagparehistro na nasa 165,702 habang ang National Capital Region (NCR) na may 140,639 na bagong botante.
Pumapangatlo naman ang Region 3 na may 98,976, Region 7 – 3l70,972, Region 11 na may 55,325 at Region 10 na may 43,329 na bilang ng nagparehistro.
Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang may mababa naman ang bilang ng mga nagparehistro na nasa 10,346 kung kaya’t patuloy ang panghihikayat ng COMELEC ang mga kwalipikadong botante na magparehistro na upang makaboto sa 2025 midterm elections.
Apela pa ng COMELEC, huwag na sanang hintayin pa ang September 30 na deadline ng pagpaparehistro lalo na’t walang balak na palawigin ito upang hindi maghabol sa mga ginagawang preparasyon sa darating na halalan.