Umabot na sa 3,075 barangay sa Ilocos Region o 94.12% ng kabuuang barangay ang idineklarang cleared mula sa ilegal na droga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Nanguna ang La Union sa 97.22% clearance rate, sinundan ng Pangasinan (95.01%), Ilocos Norte (92.67%), at Ilocos Sur (91.28%).
Sa rehiyon, 192 barangay o 5.86% ang nananatiling drug-affected.
Mula Hulyo hanggang Nobyembre 2025, isinagawa ang 1,009 anti-drug operations, na nagresulta sa 708 arestado, kabilang ang 53 high-value targets, at 821 kasong isinampa.
Nasamsam din ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P7.41 bilyon, kabilang ang higit 1.02 milyong gramo ng shabu at marijuana sa pagpapatuloy ng anti-drug operations sa rehiyon.
Facebook Comments








