Sa huling pagtaya ng Cauayan City Health Office (CHO), umabot na sa 96.79% ang kabuuang bilang ng bakunado sa siyudad ng Cauayan.
Samantala, sa ibinahaging impormasyon ni National Immunisation Program Manager Ms. Maria Vianney Uy, tumaas sa 103.71% ng general population ng nasabing siyudad ang nabukanahan ng 1st dose.
Kaugnay nito, nasa 74.98% na rin sa mga Senior Citizens sa lungsod ang fully vaccinated.
Ang pagdami ng bilang ng mga bakunado sa Cauayan City ay dahil sa patuloy na isinasagawang Oplan Bakuna ng nasabing ahensya.
Nilinaw rin ni Ms. Uy na ligtas ang pagpapabakuna kung kaya’y walang dapat ikatakot ang mga nagnanais na magpavaccine sa kanilang tanggapan.
Patuloy naman ang panghihikayat ng Cauayan City Health Office 1 sa publiko na bagaman gumaan na ang mga restrictions, ay pinapayuhan parin magsuot ng facemask lalung-lalo na sa matataong lugar.
Facebook Comments