Higit 96,000 pamilya sa apat na rehiyon, naapektuhan ng Bagyong Ambo ayon sa DSWD

Umabot sa higit 96,000 na pamilya sa 259 na barangay sa apat na rehiyon ang naapektuhan ng Bagyong Ambo.

Sa datos ng Disaster Response Operations and Monitoring Information Center (DROMIC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 96,335 families o 366,434 individuals ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 1,905 ang nasirang bahay, habang nasa 9,147 ang bahagyang napinsala.


Aabot naman sa ₱5.56 million na halaga ng ayuda ang naipaabot ng DSWD at ng Local Government Units (LGUs).

Nasa ₱1.45 billion ang halaga ng nakaimbak nilang relief goods at standby funds.

Ang mga apektadong rehiyon ay Cagayan Valley, Central Luzon, Eastern Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Facebook Comments