Pumalo sa 97,412 na covid-19 vaccine ang naiturok sa isinagawang Bakunahang Bayan Special Vaccination Days sa Ilocos Region.
Ito ay naibigay mula sa mga residente mula September 26 hanggang October 1, 2022.
Sa datos ng Regional Vaccination Operations Center, 62, 791 ang nabigyan ng 1st dose ng booster.
Sa datos ng Regional Vaccination Operations Center, 62, 791 ang nabigyan ng 1st dose ng booster.
Naturukan din ng first dose ang 864 na senior citizen at 513 na second dose sa nasabing kategorya.
Prayoridad sa isinagawang Bakunahang Bayan ay ang mga senior citizen na mabigyan ng booster dose upang hindi magkaroon ang mga ito ng malalang Covid-19.
Matatandaan na pinalawig ang pagsasagawa ng naturang programa matapos ma-postpone ang National Vaccination Campaign sa Luzon dahil sa Bagyong Karding. |ifmnews
Facebook Comments