HIGIT ANIM NA LIBONG INDIBIDWAL SA ILOCOS NORTE NA APEKTADO NG BAGYONG EGAY, BENEPISYO NG PROGRAMANG EMERGENCY CASH TRANSFER NG DSWD FO1

Higit sa anim na libo o 6,641 na mga indibidwal sa probinsya ng Ilocos Norte ang benepisyaryo ngayon ng DSWD Field Office 1 para sa kanilang programang Emergency Cash Transfer para makatulong na makabangon muli ang mga ito matapos na maapektuhan ang kanilang mga pamilya dahil sa Bagyong Egay.
Ang mga naturang kasama sa programa ay ang mga benepisyaryo na mayroong partially at totally damaged na bahay dulot ng nagdaang bagyo kung saan makatatanggap ang mga ito ng karampatang tulong pinansya at sa pamamagitan nito ay malaki ang magiging tulong upang sila ay makapagsimula muli.
Ang Emergency Cash Transfer o ECT ay isang programa ng ahensyang DSWD para nang sa gayon ay makapagbigay ng dagdag na tulong pinansyal para sa mga naapektuhan ng kalamidad o sakuna. |ifmnews

Facebook Comments