HIGIT ANIM NA MILYONG PISONG DANYOS NG PROYEKTONG SOLAR POWER IRRIGATION SYSTEM SA BAYAN NG MANGALDAN, NASALANTA NG BAGYONG EGAY

Nasalanta ng nagdaang Super Typhoon Egay ang proyektong Solar Power Irrigation System sa bayan ng Mangaldan na nagkakahalaga ng nasa mahigit anim na milyong piso o 6 million pesos, ayon sa ilang kawani mula sa Department of Agriculture (DA) – Engineering Division pagkatapos magsagawa ng monitoring at validation sa nasabing bayan.
Nasa humigit-kumulang PHP 1.2 milyon naman umano ang tinatayang halagang panggastos upang mapaayos ang mga pinsala sa sa pipe at surface pump ng pasilidad ng irigasyon.
Matatandaan na nauna nang nakapagtala ang MAO sa isinagawa ring monitoring ng P5.8-milyon ang pinsala sa mga taniman sa kung saan Php 2.34 million ang sa mais at palay naman ay Php 1.76 million, nakapagtala naman ang sektor ng pangisdaan ng Php 236,000, partikular sa mga fish pond, habang ang pagkalugi sa mga alagang hayop at manok naman ay umabot sa Php 45,000, kung saan isang baka ang nasawi sa Barangay Bateng, katumbas nito ang halos 6 milyong halaga na pinsala sa agrikultura.

Samantala, tiniyak ng naman Municipal Agriculture Office ng bayan na maipaparating sa mga kinauukulang ahensya ang naturang danyos ng nasalanta para sa posibleng tulong upang mapaayos ang naturang pasilidad na magagamit ng mga magsasaka sa kanilang pansaka. |ifmnews
Facebook Comments