HIGIT ANIM, NASAGIP SA HIWA-HIWALAY NA INSIDENTE NG MUNTIKANG PAGKALUNOD SA LA UNION NGAYONG UNDAS

Nasagip ng mga awtoridad ang hindi bababa sa anim na katao, kabilang ang dalawang menor de edad, sa magkakahiwalay na insidente ng muntikang pagkalunod sa mga baybaying dagat ng San Juan at Bauang, La Union noong Nobyembre 1.

Sa Barangay Taberna, Bauang, dalawang batang lalaki ang muntik nang malunod matapos tangayin ng malalakas na alon at agos ng tubig papunta sa malalim na bahagi ng dagat.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard kasama ang Disaster Response Group upang sagipin ang mga biktima.

Matapos ang mabilis na operasyon, ligtas na naiahon ang dalawang menor de edad at agad na isinailalim sa pagsusuri bago ibalik sa kanilang mga kamag-anak.

Patuloy namang nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na maging maingat at laging alisto habang naliligo sa dagat, lalo na sa mga lugar na may malalakas na alon at agos.

Facebook Comments