Palalawigin pa ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa Ilocos Region sa pamamagitan ng mga nakalinyang pagpapatayo ng mga Super Health Centers.
Ayon kay DOH-Ilocos Region Director Paula Paz Sydiongco, magkakaroon pa ng karagdagang animnapu’t-isang SHCs ang kalakhang Ilocos.
Hanggang sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit sampu na SHCs, kung saan ang pinakamaraming health facility nito ay matatagpuan sa Pangasinan – sa mga bayan ng Asingan, Balungao, Basista, Binalonan, Manaoag, Mapandan, Tayug, Umingan, mga lungsod ng Alaminos at Dagupan, habang mayroon na ring SHC na napapakinabangan sa Ilocos Sur at La Union.
Kasalukuyan din ang konstruksyon ng ilan pang pasilidad tulad ng lamang sa bayan ng Mangatarem.
Samantala, layon ng mga SHC facilities ma matulungan ang mga residente pagdating sa mga kinakailangang medikal na atensyon lalo na at hindi maiiwasang magsiksikan ang mga pasyente sa mga ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨