HIGIT APAT NA DAANG BENEPISYARYO SA DAGUPAN, NAKATANGGAP ANG KANILANG DSWD UNCONDITIONAL CASH TRANSFER CASH CARDS

Higit apat na raan o 491 na benepisyaryo sa Dagupan City ang nakatanggap ng kanilang DSWD Unconditional Cash Transfer cash cards para dagdag ma assistance mula sa national government.
Ang Unconditional Cash Transfer ay programa kung saan bahagi ito ng tax reform mitigation program.
May layunin itong matulungan ang mga tao gamit ang ibinibigay na ayuda sa mga mahihirap at mga lubos na naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng train Law.

Pinangunahan ni alkalde ng Dagupan City ang pag-aabot ng tulong na ito para sa mga poorest of the poor na nasa ‘Listahanan’ naman ng DSWD na pinangangasiwaan ng DSWD Field Office 1 at ng City Social Welfare and Development Office Dagupan. |ifmnews

Facebook Comments