HIGIT APAT NA LIBONG INDIGENT SENIOR CITIZENS NG MALASIQUI, NAIBIGAY ANG SOCIAL PENSION PARA SA SECOND SEMESTER NG 2021

MALASIQUI, PANGASINAN – Isinagawa sa bayan ng Malasiqui ang pamamahagi ng pensyon ng mga natukoy na indigent senior citizen na pinangungunahan naman ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng pamahalaang lokal ng bayan.

Umabot sa 4, 862 na mga benepisyaryo ang nabigyan ng kanilang cash assistance o pensyon para sa 2nd Semester ng taong 2021.

Ang pamamahagi ay naganap at hinati naman sa tatlong araw dahil na din sa dami ng mga benepisyaryo at upang masunod ang health protocols ngayong panahon ng pandemya.


Inaasahan namang magagamit ng mga senior citizen ang cash assistance sa pagbili ng kanilang maintenance na gamot o panggastos sa kanilang pang araw-araw.

Facebook Comments