Umabot sa 4.2 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger o gutom dahil sa kawalan ng makakain sa loob ng nakalipas na tatlong buwan.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 16.8% ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger.
Kung hihimayin, 14.1% o 3.6 million na pamilya ang nakaranas ng ‘moderate hunger’ at 2.7% o 674,000 na pamiyla ang nakaranas ng ‘severe hunger.’
Mataas ito kumpara sa 16% o 4 million families noong November 2020 at doble sa December 2019 o pre-pandemic level na nasa 8.8% o katumbas lamang ng 2.1 million families.
Naitala sa Mindanao ang mataas na hunger incidence na nasa 20.7%, kasunod ang Visayas na nasa 16.3%, Balance Luzon (15.7%), at Metro Manila (14.7%).
Lumabas din sa survey na 49% ng mga pamilya ang nagsabing sila ay mahirap, 33% ang nagsabing sila ay borderline poor, at 17% ang hindi mahirap.
Ang survey ay isinagawa mula April 28 hanggang May 2, 2021 sa 1,200 respondents.