Matapos ang limang linggong oil price rollback, naka-amba na naman na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa desisyon ng Organization of the Petroleum Countries (OPEC) na bawasan ng dalawang milyong bariles kada araw ang kanilang produksyon ng langis sa Nobyembre.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, posibleng apat na piso o higit pa ang maaaring itaas sa presyo ng kada litro ng Diesel.
Nasa dalawang piso naman o higit pa ang posibleng oil price hike sa Kerosene habang hindi aabot sa piso sa taas presyo sa kada litro ng Gasolina.
Posible pang magbago ang halaga ng taas presyo, depende sa presyuhan nito sa World Market ngayong araw.
Facebook Comments