Nasa higit apat na raan o 462 na mga magsasaka at mangingisda sa bayan ng Mangaldan ang nakatanggap ng extended financial assistance sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office.
Tumanggap ng tig-isang libong piso ang kada benepisyaryo ng naturang dagdag ayuda mula sa kanilang lokal na pamahalaan na siyang pangbawi sa naging epekto sa kanila ng pananalasa ng nagdaang bagyo lalo sa kanilang mga alagang isda at mga pananim.
Dagdag pa rito, binigyang-diin sa mga magsasaka at mangingisda na dapat sila ay nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture nang sa gayon ay maging karapat-dapat sila sa naturang benepisyo.
Bago ang inisyatiba, nagpaabot din ng suporta ang LGU Mangaldan sa komunidad ng agrikultura ng pagbibigay ng mahigit walong milyong pisong halaga ng fertilizer discount voucher sa higit dalawang libong magsasaka. |ifmnews
Facebook Comments