Isinugod sa pagamutan ang nasa apatnapu’t-apat na estudyante ng San Felipe Integrated School sa bayan ng San Nicolas, lalawigan ng Pangasinan natapos makaranas ang mga ito ng pagsakit ng dibdib, hindi paghinga ng maayos at ang iba ay nawalan pa ng malay.
Dalawampu’t tatlo rito ang isinugod sa RHU, kung saan ang sampu ay agad na inilipat sa Eastern Pangasinan District Hospital habang ang natitirang apektadong estudyante ay direkta na ring pinunta sa EPDH bagamat na-discharge na ang ilan at nasa mabuti nang kalagayan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nag-umpisa ito nang isa sa mga babaeng estudyante ay nawalan ng malay matapos makaranas ng chest pain na nagdulot umano upang magpanic.
Nirespondehan ang naturang insidente at napag-alaman na ang sanhi nito ay ang tinatawag na mass hysteria na kadalasang nangyayari kapag nahawaan ang mga ito ng panic dahilan ang ilang nasabing sintumas na kanilang mararanasan.

Pinabulaanan din ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas na hindi mass possession ang nangyari at pawang mass hysteria lamang.
Samantala, tiniyak pa ng LGU San Nicolas na tututukan ang isang response at contingency plan ukol dito upang maiwasan ang mga kaugnay na insidente na maaari pang mangyari sa mga susunod na pagkakataon. |ifmnews
Facebook Comments