Benepisyaryo ang nasa higit apatnapu o 48 na mga piling mag-aaral at out of school youth sa Asingan ng programang Special Program for Employment Students o SPES.
Ang SPES ay isang programa ng Department of Labor and Employment o DOLE kung saan nagbibigay ito ng pansamantalang oportunidad o trabaho para sa mga napili lamang na mag aaral at mga out of school youth sa bayan.
Ang programang ito ay makatutulong upang maging produktibo ang mga kabataan at maaari ring makatulong kahit papaano sa kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan rin umano nito ay makakapag-ipon ang mga mag aaral habang hindi pa nagsisimula ang pasukan.
Pahayag ng alkalde, malaki ang maitutulong nito sa pinansyal na aspeto ng mga mag aaral at dagdag na matututo na ang mga ito sa pagkakaroon ng karanasan sa pagtatrabaho.
Ang naturang programa ay naisakatuparan naman sa tulong ng Public Employment and Service Office ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments