HIGIT APATNARAANG DAGUPENO,SUMAILALIM SA PROFILING PARA SA PROGRAMANG TUPAD

Nasa kabuuang bilang na 449 na mga Dagupenos ang sumailalim sa profiling para sa sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged workers o TUPAD ng ahensyang DOLE.
Kinabibilangan ito ng mga bangkero, mga ambulant vendors o naglalako at mga driver ng pampasaherong jeepney ng lungsod.
Inaasahang magtatrabaho ang mga ito sa itinakdang community service sa kani-kanilang mga barangay sa loob ng sampung araw at bilang kapalit ay ang matatanggap na cash payout na nagkakahalaga ng apat na libong piso o 4 thousand pesos.

Samantala, bahagi ang nasabing tulong pinansyal sa programa na DOLE sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na may layong matulungan ang mga indibidwal na nawalan ng trabaho dahil sa kinakaharap ng krisis sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansamantalang trabaho para sa mga ito. |ifmnews
Facebook Comments