HIGIT DALAWAMPUNG LIBONG KABAHAYAN SA ILOCOS, NASIRA DAHIL SA NAGDAANG BAGYO

Lubhang naapektuhan ang Ilocos Region ng mga nagdaang bagyo at habagat sa nakalipas na mga araw.

Naitala sa buong rehiyon ang daang libong mga indibidwal na naaapektuhan, maging ang naiwang pinsala sa mga kabahayan lalong lalo na sa mga La Union at Pangasinan.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1, umabot sa 27, 016 ang mga nasirang bahay kung saan 23, 432 dito ay partially damaged habang 3, 584 naman ang totally damaged.

Kaugnay nito, nagsagawa sa pangunguna ng DSWD FO1 ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa mga lugar na higit naaapektuhan ng nagdaang bagyong Emong.

Patuloy din ang pamamahagi ng pamunuan ng family food packs at iba pang assistance sa mga nangangailangang residente sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments