Matagumpay na naipamahagi sa higit dalawampung pamilya mula sa Dagupan City ng Tulong pinansyal mula sa ahensyang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Regional Office I.
Kabuuang P10,000 financial assistance ang ipinagkaloob sa dalawampu’t tatlong (23) pamilya sa lungsod kung saan ang mga pamilyang ito ay pawang mga lubhang nasiraan ng mga bahay dulot ng malubhang epekto ng bagyong Egay.
Ang naturang pamamahagi sa pinansyal ay pinangasiwaan ng DHSUD Regional Director Atty. Richard Vinancio Fernando Ziga katuwang ang programang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, layon ng programang 4PH ay makapagpatayo ng nasa isang milyong tahanan kada taon at sa loob ng anim na taon ay nais nitong makapag-patayo ng kabuuang anim na milyong bahay.
Laking pasasalamat naman ng mga kwalipikadong benepisyaryo at ng lokal na pamahalaan sa natanggap na nilang tulong. |ifmnews
Facebook Comments