Nasa higit dalawandaan o 221 na kaso ng leptospirosis ang naitala ng Department of Health Center for Health Development sa Ilocos Region sa rehiyon uno mula January hanggang September 16, 2023.
Ayon sa DOH-CHD-1, nangangahulugan na tumaas ng 106 percent ang kasong kanilang naitala kung ikukumpara noon nakaraang taon sa parehong panahon kung saan nakapagtala lamang ng 107 na kaso ng leptospirosis.
Pinakamataas na kaso sa lalawigan ng Pangasinan na may walumpu’t siyam na kaso, pitumpu’t limang kaso sa Ilocos Sur, labing siyam na kaso sa Ilocos Norte, at tatlumpu’t walo naman sa La Union.
Sa itinaas ng kaso ng leptospirosis ngayon taon ay nakapagtala naman ng tatlumput tatlong pagkamatay sa rehiyon kung saan pinakamataas sa Pangasinan sunod ang La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Ayon kay DOH-CHD-1 medical officer, Dr. Rheuel Bobis, mas mataas din ang bilang ng mga namatay kung ikukumpara sa labing walo lamang na naitala noong nakaraan taon sa parehong panahon. |ifmnews
Facebook Comments