HIGIT DALAWANDAANG MANGINGISDA SA LINGAYEN, TUMANGGAP NG RELIEF ASSISTANCE

Sa kabila ng nararanasang dagok ng sektor ng aquaculture sa ilang bahagi ng Pangasinan, ang mga mangingisda sa Lingayen na benepisyaryo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Regional Fisheries Office 1 ay tumanggap ng kanilang Relief assistance.
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng Lingayen Fisherfolks ay ang mga lubos na naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng nagdaang bagyong “Egay” at ng Habagat.
Nasa bilang na two hundred twenty three beneficiaries galing sa iba’t-ibang barangay sa bayan tumanggap ng relief packs kung laman nito ang 5 kilong bigas, 1 meatloaf, 5 sardinas, 1 pack ng biscuit, 10 pakete ng 3in1 coffee at 5 pirasong noodles.

Nagbigay paumanhin ang Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz na kung hindi lahat nabigyan dahil sa limitadong pondo ng BFAR RFO1 ay hinihikayat pa rin nito ang mga barangay fisherfolks na magsumite ng kanilang damage report on time para mabahagian ng suporta at tulong ng pamahalaan. |ifmnews
Facebook Comments