Higit dalawang bilyon na subsidiya para sa jeepyney modernization program aarangkada na, pero ilang grupo kontra

Manila, Philippines – Naninindigan ang Stop and Go Transport Coalition sa pagtutol sa naka-ambang modernization program sa jeep ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa interview ng RMN kay Stop and Go Transport Coalition President Jun Magno – sinabi nito na hindi tulong kundi negosyo ang hatid ng modernization program.

Giit ni Magno, babayaran at may interest pa ang 1.4 million pesos na loan program para palitan ang mga lumang jeepney.


Hindi rin aniya, mabibigyan lahat ang mga tsuper sa bansa dahil hindi lahat ay may prangkisa.

Panawagan nito, huwag gawin mandatory ang jeepney modernization program.

Nabatid na ‘rent-to-own’ ang sistema ng programa kung saan lima hanggang pitong taon itong huhuluhan ng mga jeepney operator sa halagang 600 hanggang 800 piso kada araw.

Facebook Comments