HIGIT DALAWANG DAANG DAGUPENO, BENEPISYARYO NG LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL

Benepisyaryo ang higit dalawang daang Dagupeno sa naganap na medikal at dental mission kahapon alinsunod na rin sa pakikiisa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa National Nutrition Month na may temang “Healthy diet, gawing affordable for all!”
Saklaw nito ang pagsasagawa ng medical check-up, pamamahagi ng libreng mga gamot at multivitamins gayundin ang pagkakaroon ng dental services tulad ng dental consultation, tooth extraction, at fluoride application.
Nagpamahagi rin ang LGU Dagupan sa pangunguna ng alkalde ng gatas at nutri-food packs tulad ng monggo, egg, banana, orange, RIMO rice+monggo cereal na nakalaan para sa mga batang Dagupeño.

Samantala, kabilang sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapanatili ng malusog na mga komunidad sa lungsod at ang pagpapalawak pa ng mga libreng serbisyong pangkalusugan upang matututukan ang wastong nutrisyon ng nasasakupan nito. |ifmnews
Facebook Comments