HIGIT DALAWANG DAANG MANGINGISDA SA LUNGSOD NG DAGUPAN, SUMAILALIM SA PROFILING PARA SA PROGRAMANG TUPAD

Nasa dalawang daan at labing siyam o 219 na mga mangingisda sa Dagupan City ang sumailalim sa profiling para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged o TUPAD sa ilalim ng ahensyang Department of Labor and Employment o DOLE at tulong din ni Sen. Sen. Joel Villanueva.
Ito ay upang makapagbigay tulong para sa mga Dagupeñong magsasaka na maaaring magamit bilang panggastos at pangangailangan na rin sa kanilang pangingisda.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa DOLE para sa mga programang bebenipisyo sa mga residente sa lungsod.

Mayroon ding higit isang daan pang mga Dagupeno ang nakatanggap na ng tulong pinansyal sa ilalim naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod.
Samantala, isa ang mga mangingisda sa mga naging apektado sa nagdaang Bagyong Egay at nakapagtala rin ng ilang danyos sa sektor ng agrikultura ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments