HIGIT DALAWANG DAANG WANTED PERSONS AT ANIMNAPUNG DRUG PERSONALITIES, NAARESTO NG POLICE REGIONAL OFFICE 1 SA BUWAN LAMANG NG PEBRERO

Sa buwan lamang ng Pebrero taong kasalukuyan, nakapagtala at nakapag-aresto ang Police Regional Office 1 ng nasa higit dalawang daang wanted person at animnapung drug personalities sa rehiyon.
Nakamit ng Ilocos police ang pagkakaaresto sa 252 wanted persons kabilang dito ang isang Most Wanted Person na May Rewards na Saklaw ng DILG MC; 5 Regional Level Most Wanted Persons; 12 Provincial Most Wanted Persons; 36 Municipal Most Wanted Persons at 198 na iba pang Wanted Persons.
Sa kampanya naman ng ahensya laban sa iligal na droga, 54 na operasyon ang kanilang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto sa 60 drug personalities at pagkakakumpiska ng 101.26 gramo ng Shabu at 330 gramo ng Marijuana na may Combined Standard Drug Value na 728,165.28.
Ito naman ay kinukumpleto ng patuloy sa drug-clearing operations ng PRO 1 na nagresulta sa pagsuko ng 22 drug personalities. |ifmnews
Facebook Comments