HIGIT DALAWANG DEKADANG WALANG MAAYOS NA ILAW SA NARCISO RAMOS BRIDGE, ISINAAYOS AT PINAILAWAN NA

Sa higit dalawang dekadang walang maayos na poste ng ilaw sa Narciso Ramos Bride na siyang pagitan ng bayan ng Asingan at bayan ng Santa Maria ay sa wakas at nabigyan na muli ng liwanag sa gabi.
Lubhang delikado ang pagtawid sa pinakamahabang tulay sa rehiyon uno dahil sa kawalan nito ng ilaw sa gabi at tanging mga ilaw lang sa mga sasakyang dumadaan duon ang nagbibigay ng liwanag.
Kaya naman, naisipan ng alkalde ng bayan ng Asingan na isaayos ang mga ilaw nito na siyang sinimulan noong Disyembre 2022.

Ang pagbibigay ilaw sa tulay ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga solar powered lights sna syang pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Asingan.
Itinuturing na pinakamahabang tulay ang Narciso Ramos Bridge sa rehiyon uno na may habang halos isa’t kalahating kilometro na pinagawa noong kasagsagan ng pamumuno ni dating Pangulong Fidel Ramos. |ifmnews
Facebook Comments