HIGIT DALAWANG LIBONG APEKTADONG TRICYCLE DRIVERS NG PAGBAHA SA DAGUPAN CITY, NATANGGAP ANG TULONG PINANSYAL

Natanggap ng nasa dalawang libo at limang daan o 2, 500 na mga tricycle drivers sa Dagupan City ang tulong pinansyal na laan sa kanila sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na programa ng ahensyang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nasa dalawang libong piso kada indibidwal ang naipamahagi sa mga ito bilang naapektuhan ang kanilang hanapbuhay bunsod ng naranasang matinding pagbaha.
Ilan sa mga ito ay nagtigil pasada dahil sa kataasan ng lebel ng tubig baha at hindi kakayanin ng kanilang mga maliliit na tricycle. Ang iba nama’y nagpatuloy pa rin sa pamamasada bagamat nakaranas ng pagtitik ang kanilang mga pampasaherong sasakyan.

Samantala, pinangunahan ang distribusyon ng financial assistance ni Senator Imee Marcos kasama ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments