Mahigit dalawang libong aspiring PNPA applicants mula sa Pangasinan na may edad 18-21 taong gulang ang kumuha ng pagsusulit sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test (PNPACAT).
Kapag naipasa ng mga aplikante ang pagsusulit, may pagkakataon silang maging iskolar ng gobyerno at kapag sila ay matagumpay na nakapasa sa screening at processing, tatanggapin ang mga ito sa Cadetship Program at sasailalim sa masusing pagsasanay sa loob ng apat na taon.
Makukuhang kurso ng mga ito ang Bachelor of Science in Public Safety pagkatapos nila sa akademya.
Dahil sa ginanap na pagsusulit, nagbigay ng seguridad, nagbantay sa trapiko sa venue ng examination ng PNPACAT ang Pangasinan Police Provincial Office sa pangunguna ni PCol. Jeff E. Fanged, ang Provincial Director PNP Pangasinan.
Ayon kay Fanged, nais aniyang maging handa ang mga kabataan para sa susunod na henerasyon dahil binibigyan sila ng kanilang mga adhikain at potensyal sa paghahanap ng higit na pananaw kung paano magkaroon ng kakayahan, maging epektibo, at kapani-paniwalang pinuno ng pulisya.
Hiling nito na sana na ang kanilang panawagan sa publiko ay kunin ang pagkakataong ito na sumali sa PNPA at maging isang responsable at matuwid na pulis para sa ligtas na pamayanan.
Isinagawa ang pagsusulit na ito noong Linggo Agosto 6, 2023 sa Urdaneta City National High School, Lungsod ng Urdaneta. |ifmnews
Facebook Comments