HIGIT DALAWANG LIBONG DL CARDS, HINDI PA RIN NAKUKUHA NG MGA MAY-ARI

Aabot pa sa dalawang libong Driver’s License Cards ang hindi pa nakukuha ng mga may-ari nito sa LTO Dagupan District Office.

Ayon sa Chief ng naturang District Office na si Mr. Romel Dawaton, kung ikukumpara sa 12,000 backlogs noong nakaraang taon bumaba sa 2,000 ngayong taon.

Dagdag pa ni Dawatan na wala naman umanong problema sa suplay ng DL cards dahil tuloy tuloy rin ang pagdating nito.

Samantala, patuloy naman ang panawagan nito na kunin na ng mga may-ari, dahil bawal sila magmass print dahil sa kinakailangan ang presensya ng mga ito.

Umaasa naman ang LTO na maging zero ang backlogs nito sa lalong madaling panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments