HIGIT DALAWANG LIBONG MGA KASO NGNAKAGAT NG ASO AT PUSA, NAITALA NG DAGUPAN CHO

Naitala ng Dagupan City Health Office ang higit dalawang libo o nasa kabuuang bilang na dalawang libo, dalawang daan at labingpitong o 2217 na kaso ng mga nakagat ng aso, pusa pati na rin mangilan ngilan na nakagat ng daga.
Mula sa pag-umpisa ng kasalukuyang taon, sa buwan ng Enero hanggang ngayon ay tuloy tuloy ang nakikitang paglobo ng kaso ng nakagat ng mga hayop sa siyudad.
Personal na nakapanayam ng IFM Dagupan ang ilan sa mga nakagat at ayon sa kanila ay alaga mismo nila ang mga ito. Bagamat pinaniniwalaang malinis ang kanilang mga alagang hayop, pinili pa rin umano ng mga ito ang magtungo sa City Health Office upang masiguro na ligtas ang mga ito sa virus na rabies.

Naniniwala ang ilan na isa sa posibleng dahilan ang nararamdamang init kaya’t mas tumataas ang tyansa ng mga hayop na ito na mangagat kahit pa nakakasama nila ito sa bahay.
Nitong umaga kahapon, April 3, 2023, pansamantalang nagkaubusan ng Anti-Rabies Vaccine at napilitan ang mga magpapabakuna na bumili sa labas ng nararapat ng brand ng anti rabies vaccine at mismong mga City Health Officer pa rin ang magtuturok.
Nasa 1200 pesos naman ang halaga ng mabibiling vaccine at karamihan sa mga sumadya upang magpabakuna laban sa rabies ay naghahati sa 1200 dahil dalawang doses naman ito.
Sa kasalukyan, tumataas pa ang kaso ng Animal Bite dahil hindi lang din mula sa Dagupan ang mga ito, ang mga iba ay galing pa sa karatig bayan at sumasadya sa Dagupan City Health Office dahil dito ay naavail ito ng libre. |ifmnews
Facebook Comments